Buod ng dula -mula sa playbill
Saturday, March 22, 2008
BAGONG CRISTO
Ang dulang Bagong Cristo ay binubuo ng tatlong tagpo at may temang sosyalista. Pinangungunahan into ni Jesus Gatbiaya na siyang magtatanggol sa inaapi na ipagtanggol ang karapatan laban sa mga sakim na panginoong-maylupa, negosyante at burges-komprador. Sa pagdaloy ng dula, ang mga manggagawa'y mahihimok na bumuo ng sarili nilang unyon. Ang dula ay nakabase rin sa mga aral relihiyoso o ispiritwalidad ukol sa buhay at naratibo ni Hesukristo sa bibliya. Dahil sa kanyang mga pangaral, dadami ang kanyang kaaway na kapitalistang may-ari ng kumpanya at manganganib ang kanyang buhay.
Ang pinunong si Jesus Gatbiaya na kilala rin bilang Ang Bagong Cristo ay magsisilbing lider at tagapagsalita ng mga mamamayang inaapi. Ang kanyang papel sa dula ay kahalintulad ng papel ni Hesus sa banal na bibliya at may mga pangaral patungkol sa hustisya at pagkapantay-pantay sa lipunan, liban pa sa kabanalan. Si Jesus Gatbiaya, bilang Hesus ay isang makabagong pagsasabuhay ni Aurelio Tolentino ng isang tagapagligtas at bayani ng mamamayan.
Samantala, si Dolores, bilang ina ni Jesus Gatbiaya ang siya namang tumatayo bilang si Mariya. Dala-dala ng kanyang pangalan ang hapis at kalungkutan na tila bigat ding inaako ng ating inang bayan. Karamihan sa kanyang eksena ay kahalintulad ng papel ni Maria sa banal na bibliya.
Kasama rin sa dula and karakter ng kababaihang sina Donya Salud, Neneng at Biheng. Si Donya Salud ay ang kapitalista subalit sumusunod pa rin sa pangaral ni Jesus Gatbiaya. Neneng, ang iniibig ni Magdangal ay isang magandang dilag. Bilang isang masunuring alagad ng Bagong Cristo, tinalikuran ni Neneng ang yamang alay ng kapitalismo - at ang pag-ibig din ng kapitalistang si Magdangal - at ibinigay ito sa kawanggawa s akatauhan ni Biheng, isang mahirap na ina na kinailangang magsanla (o magpa-alipin) ng mga anak kay Magdangal. Sa pagtalikod ni Neneng sa mg agahaman at pagsunod nila Donya Salud at Biheng sa kaligtasang dala ng Bagong Cristo, isinabuhay nila ang mga aral at prinsipyong dala ng bayaning si Jesus Gatbiaya. Sila'y waring ang tatlong babae na dumalaw sa puntod ni Hesukristo ayon sa banal na bibliya.
Si Kabesang Andoy ang ama ni Neneng, isa sa mga manggagawa at alagad na sumusunod kay Jesus Gatbiaya. Siya ang mabuting tagasunod kahalintulad ng mabuting apostol Pedro na marahas na namatay tulad ng pagkakapaslang sa kanyang maestro. Samantala, sina Kapitang Berto at Magdangal ay ang mga makabagong pariseo o mga huwad na relihiyoso. Sila'y mg gahamang amo at kapitalista na ayaw magbigay ng tamang pasahod at benipisyo sa mga manggagawa. Tutol sila sa mga pangaral at panghihimok ni Jesus Gatbiaya. Sa pamamagitan ngi Limbas, manganganib ang buhay ni Jesus bilang ganti nina Berto't Magdangal sa kabila ng pagkakaroon ng batas sa katauhan ng Huwes at ng estado/Gobernador.
@ 12:40 AM

profile
A college student taking up BS Civil Engineering at the University of the Philippines -Los Banos
UPLB Engineering Society.
A PROUD UPian.
taggies
darlinkies
bianca
donna
doris
edjim
gequi
ica
ica.
jada
jayzel
jemai
jemai.
mae
marichu
marvic
maxine
mel
mel.
millen
mon
nica
regina
reisha
reisha.
roda
ruth
zell
zuela
archives
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
November 2007
February 2008
March 2008
August 2008
September 2008
reality
fster    multiply    imeem    email    earcandy    flipflops   
A little glamour won't hurt. :P
gucci    louis vuitton    chanel    escada    prada    marks and spencer    MNG    esprit    giordano   
If you're not glamorous as you think,
maybe fashionable is the right word.
click on the right link.:)
chucks love. converse.    hush puppies    /bench    penshoppe    bayo    kamiseta    ensembles   
But if it ain't "affordable",
there's always baclaran and 168 @ divi. :))